Insentibo para sa mga bakunado sa bayan ng Taytay

Share this information:

TAYTAY, Rizal – Nagpasa ng isang ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Taytay na nagtatakdan ng insentibo sa mga bakunado bilang proteksyon sa hanay manggagawa.

Walang kahirap-hirap na naisabatas ng mga miyembro ng konseho ang Resolusyon 390 na nag-aatas sa lahat ng mga negosyante sa bayan ng Taytay na magbigay ng angkop na insentibo sa kanilang mga empleyado para magpabakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Mayor Joric Gacula na malaking bentahe kung makikipagtulungan ang mga pribadong establisimyento sa lokal na pamahalaan sa hangaring maging ligtas ang bawat pook ng trabaho, mga empleyado at ang publiko.

Paglilinaw ng alkalde, walang batas para sa pwersahang bakunahan bagamat mayroon naman mga paraan para makumbinsi ang lahat na tupdin ang rekomendasyon ng mga eksperto. 

Magandang safe lagi ang mga workplace natin dito sa Taytay. Pero hindi dapat pinupuwersa ang mga tao. Ang dapat ay matiyagang paliwanag at impormasyon sa buting dala ng (mga bakuna kontra) COVID-19, at mas mainam kung sasabayan pa natin ng malawakang impormasyon at insentibo para sa kanila,” ani Gacula.

Bukod sa mga manggagawa, bahagi din ng nasabing resolusyon ang pagbibigay ng diskuwento ng mga establisimyento sa mga ka-transaksyong bakunado.

Bilang tugon sa resolusyon ng kanilang konseho, may ilang mga establisimyento na ang nagtakda ng diskuwento sa kanilang mga produkto sa merkado sa pamamagitan ng pagpiprisinta ng vaccination card na inisyu ng lokal na pamahalaan na siyang nangangasiwa sa pagbabakuna ng mga residente ng nasabing bayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PNP reminds the public to keep Halloween, Trick or Treat purely family affairs

Sun Oct 24 , 2021
THE Philippine National Police (PNP) reminded the public to keep Halloween-related gatherings purely a family affair As parties are expected during the holiday season, Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar reminded the public that gatherings are allowed only if it is within the family’s bubble. […]
%d bloggers like this: