Breaking News

Share this information:

NAITALA sa 4.1 percent ang inflation rate o ang antas sa pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagbaba ng inflation ngayong Hunyo ay dahil sa mabagal na pagtaas sa singil sa transportasyon.

Sa impormasyon pa rin ng PSA, nakaapekto sa inflation ang Food at Non-alcoholic beverages na naitala sa 4.7 percent.

Kabilang rito ang presyo ng karne tulad ng baboy, isda partikular ang galunggong.

Ang 4.1 inflation ngayong Hunyo ay mas mababa sa 4.5 percent inflation na naitala ng bansa noong Mayo, 2021.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: