Breaking News

Share this information:

HINDI inaalis ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang posibilidad na lumagpas pa sa tinatarget nito ang maitatalang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang serbisyo at produktong binibili ng mga konsyumer, para sa buwan ng Mayo.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, nasa 4.4-porsyento ang inflation projection nito para sa kasalukuyang buwan at posibleng pumalo ang maitatalang antas sa pagitan ng 4.0% hanggang 4.8%.

Pero ang target ng Central Bank na makuhang inflation rate ay nasa pagitan ng 2% hanggang 4% upang pumalo lang sa 3.9% ang antas para sa buong taong 2021.

Una nang naitala ang 4.2 % nuong Enero, 4.7% nitong Pebrero, at 4.5% para sa mga buwan ng Marso at Abril.

Sinabi ni Diokno na ang mataas na presyo ng karne at petrolyo pati na ang tumaas ding singil sa kuryente ng Meralco ang pangunahing mga dahilan ng pagtataas ng halaga ng bilihin at serbisyo sa buwan ng Mayo.

Iyan ay bagamat bumaba naman ang presyo ng iba pang pagkain tulad ng bigas, gulay at isda dahil sa pagdami ng suplay gayundin ang pagganda ng laban ng piso kontra dolyar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: