Indian variant ng COVID-19, nakapasok na sa Pilipinas

Share this information:

KINUMPIRMA ng Department of Health na mayruon nang dalawang kaso ng B.1.617 coronavirus variant o Indian variant na nakapasok ng Pilipinas.

Pero nilinaw ng DOH na hindi galing o dumaan ng India ang dalawang Returning Overseas Filipinos (ROFs) na nagpositibo sa India variant ng SARS CoV2. Kasunod na rin ito ng  magkaibang impormasyong ibinahagi ng dalawang opisyal ng DOH.

Sa limang nagpositibo sa COVID-19 mula sa India ay isa pa lamang ang dumaan sa genome sequencing at lumitaw na A lineage ang taglay nito na hindi variant of concern o variant under investigation.

Ito ay batay na rin sa datos ng UP Philippine Genome Center.

Isa ang isasalang pa lamang sa genome sequencing habang ang tatlo ay hindi pasado sa naturang pagsusuri dulot ng hindi maganda ang kalidad ng nakuhang sample.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang dalawa na ROFs na nagpositibo sa India variant ay galing ng Oman at United Arab Emirates.

Ayon kay Vergeire, sila ay bahagi ng mga sample na idinaan sa genome sequencing mula sa 46 na mga dumating na Filipino galing sa ibang mga bansa na hindi kabilang sa India travel ban.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.