Mayor Toby Tiangco, nabakunahan na ng kanyang ikalawang dose

NAKUMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) inoculation kasunod ng pagturok sa kanya para sa kanyang ikalawang dose ng CoronaVac noong Lunes sa San Jose Academy sa Navotas.

Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makumpleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19. Kailangan pong makumpleto ang first at second dose para buo ang proteksyong ating matatanggap mula sa bakuna,” ani Mayor Tiangco.

Hinimok ng alkalde ang mga Navoteños na makilahok sa programa ng pagbabakuna sa lungsod.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangan na makakuha ng pangalawang dose at fully vaccinated upang matiyak ang kumpletong proteksyon mula sa sakit.

Gayunpaman, di pa rin aniya 100 percent na hindi na tayo magkakasakit ng COVID kapag bakunado na tayo. Ang bakuna ay nagbibigay sa atin ng proteksyon para di magkakaroon ng severe o malalang COVID at di manganganib maospital o mamatay.

Ipinaalala pa niya na kasabay ng pagpapabakuna, patuloy pa rin isasagawa ang minimum health protocols para hindi mahawaan ng sakit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.