Breaking News

Share this information:

PASADO na sa House Committee on Ways and Means ang “taxation provision” ng substitute bill ng panukalang batas na layong mailibre sa income taxation ang mga kompensasyon sa mga guro na magsisilbi sa national and local elections.

Sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ngayong Lunes, agad na inaprubahan ang panukalang batas sa unang araw pagbabalik ng sesyon.

Sa ilalim ng panukala, “exempted” o hindi kasama sa income tax ang mga ibinabayad sa mga guro na tumatayong poll workers tuwing halalan, sa ilalim na rin ng Election Service Reform Act o RA 10756.

Sa kasalukuyang batas, itinataas naman ang honoraria, allowances, at kompensasyon ng mga guro na magta-trabaho bilang Board of Election Inspectors o BEIs, ngunit pasok ito bilang “income” sa ilalim ng rules and regulations ng Bureau of Internal Revenue o BIR.

Sakaling maging ganap na batas, hindi na papatawan ng income tax ang anumang election compensation at hindi na isasama sa computation ng gross income ang anumang bayad na ipagkakaloob sa mga guro tuwing eleksyon.

Ikinalugod naman ng mga mambabatas lalo na ni ACT Teachers PL Rep. France Castro ang pagpasa sa komite ng panukala, na anila’y mainam na maging batas at maihabol para sa 2022 national elections.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: