Breaking News

Share this information:

BISITA mamayang gabi sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, bilang dating kalihim ng Department of National Defense sa pinakamatagal na panahon, alam ni Enrile ang mga nangyari sa West Philippine Sea (WPS).

Naniniwala si Roque na maibabahagi ni Enrile ang nalalaman nito partikular na ang pagkawala ng Scarborough Shoal bilang teritoryo ng Pilipinas.

Nauna na ring inimbitahan ni Pangulong Duterte at sinabing mas nais nitong magsalita si Enrile dahil naruon na ito mula sa simula at bilib ito sa utak ng dating senador para maipaunawa ang problema sa West Philippine Sea.

Samantala, muling iginiit ni Roque na walang nawalang teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte taliwas sa paratang ng mga kritiko nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: