“Inciting to sedition,” ikinaso ng CIDG sa DOJ laban sa isang ex-Army captain

ISANG ex-Army captain ang kinasuhan ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) ng kasong “inciting to sedition” sa Department of Justice (DOJ).

Pinangalanan ni Philippine National Police (PNP) Police Brig. General Nicolas Torre III ang kinasuhan na si dating Army Captain Clemente “Dado” Enrique.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng DOJ si Torre upang magsampa ng kaso laban kay Climente, na may kinalaman sa kanyang personal vlog sa YouTube.

Sa kanyang vlog, nanawagan si Clemente sa mga uniformed personnel na mag- withdraw ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Ginawa raw ni Clemente ang panawagan noong kasagsagan ng pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy at nitong serye ng pagbanat ni Vice President Sara Duterte-Carpio laban sa Pangulo, First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. 

Gamit ang iba’t-ibang account sa YouTube, nagawa umano ni Clemente na batikusin ang gobyerno at pilit na nanghihikayat sa mga sundalo at pulis na iatras ang kanilang suporta sa kasalukuyang pamahalaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.