Inbound travel mula NCR+, Cebu at Davao patungong Region VI sinuspinde

PANSAMANTALANG suspendido ang inbound travel sa Western Visayas dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa abiso ng Maritine Industry Authority (MARINA), ito ay matapos na aprubahan ng Inter Agency Task Force ang kahilingan ng Region VI sa isinagawang pagpupulong kahapon.

Napag-alaman na ang pansamantalang suspensyon ay mga imbound travel mula National Capital Region (NCR) Plus Bubble, Cebu City at Davao City patungo sa Region VI.

Kabilang naman hindi muna papayagang makapasok sa nasabing rehiyon ang mga Returning Residents, tourist, APORs , ROFs at overseas Filipino Workers o OFWs.

Magsisimula ito ngayong araw, April 4 at magtatagal hanggang April 10 at mahigpit itong ipatutupad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.