NABAKUNAHAN na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng Sinovac vaccine kontra COVID-19 sa Sergio Osmena High School sa Tondo, Maynila.
Mismong si Vice Mayor Honey Lacuna ang nagbigay ng unang dose ng bakuna sa alkalde.
Si Domagoso ay nagpaturok na matapos na aprubahan o payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makapagpabakuna na ang mga alkalde sa mga high risk cities at munisipalities.
Tulad ng ordinaryong Manilenyo, sumunod din sa pila ang alkalde bilang bahagi ng proseso at naghintay ng kanyang pagkakataon na mainterview at maturokan.
Ayon sa alkalde Sinovac ang itinurok sa kanya dahil ito ang ipinangako niya sa Manilenyo upang mapanatag ang kalooban ng publiko para magpabakuna kontra COVID-19.
Masaya rin aniya ito dahil may dagdag na itong proteksyon laban sa sakit.
Ani Domamgoso, bastat aprubado ng Food and Drug Administration ay kanyang tatatanggapin dahil ito naman aniya ay ligtas dahil dumaan sa regulatory board ng gobyerno.
“The best vaccine is those vaccines that are available now adays…most efficient vaccine is the one in your arms” pahayag pa ni Domagoso.
Nagpapasalamat naman si Domagoso sa mga taga Maynila dahil sumusunod sa pamahalaang lungsod na mqgpabakuna.
Ang pag-aruba na maturukan na ang mga mayors sa high risk cities ay dahil na rin sa mataas na kasong naitatala sa kanilang mga nasasakupan tulad sa Maynila.
Kabilang ang Metro Manila, Laguna, Bulacan,Cavite at Rizal sa isinailalim sa isang linggo pang pagpapalawig sa enhance community quarantine o ECQ. sa NCR Plus Bubble mula April 5 hanggang April 11.

