LIMANG katao na pawang magkaka anak ang patay matapos silang pagbabarilin at pasabugan ng granada sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.

Ang suspek na sinasabing kaanak din ng mga biktima ang siyang subject ngayon ng manhunt operation ng mga awtoridad.
Natukoy ang pagkakilanlan ng mga nasawi sina Romeo de Leon, 72-anyos, dalawa nitong apo na edad 9 at 6, Samuel Coabilla, 21, isang 7-taong gulang na bata.
Habang isa pang menor de edad ang nasugatan sa insidente at kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Nabatid kay Police Capt. Rosalinda Moises, hepe ng Milaor Municipal Police Station, naganap ang pagmasaker sa mga biktima pasado alas 3 ng hapon ng Biyernes, Nobyembre 5, 2021 sa Barangay Tarusanan.

Nasa loob ng bahay ang mga biktima nang silay pasukin ng suspek at pagbabarilin gamit ang isang M16 armalite riffle.
Matapos ang pamamaril ay sunod namang tinungo ng nag iisang salarin ang katabing bahay at doon hinagisan ng granada ang mga nasa loob na si Coabilla at mga bata.

Dali dali umanong tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo at nakasuot na camouflage jacket.
Alitan sa lupa ang sinasabing sanhi ng karumal-dumal na krimen habang patuloy pa ang masusing pagsisiyasat ng pulisya.

