Impeachment complaint vs Justice Leonen pasok na sa Committee on Rules ng Kamara

MISMONG si House Speaker Lord Allan Velasco ang nag-endorso sa House Committee on Rules para maipasok na ang impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen.

Batay sa inilabas na liham ni Velasco nitong Marso 25, 2021, ipinapasa nito sa “order of business” ang impeachment complaint laban kay Leonen.

Unang inihain ang reklamo noong December 2020, ng grupong Filipino League of Advocates for Good Government sa pangunguna ng Secretary General nito na si Edwin Cordevilla.

Ang nasabing reklamo ay inendorso sa Kamara ni Ilocos Norte Rep. Angelo Barba, na pinsan ni dating Senator Bongbong Marcos.

Nag-ugat ang impeachment complaint sa sinasabing kabiguan ni Leonen na magsumite ng kanyang Statement of Liabilities and Net worth o SALN, at ang pagkaantala sa mga resolusyon na nasa kanyang dibisyon.

Sa ilalim ng rules ng Kamara hindi maaring tanggapin ang isang reklamong impeachment kung walang kongresista na mag-i-endorso nito.

Sa tanggapan ng house speaker ang huling bagsak ng complaint para mapag-aralan bago nito mai-endorso sa Committee on Rules ng sa gayon ay maisama sa agenda sa sesyon.

Bukas araw ng Lunes, Marso 29, 2021 ang panimula ng session break ng Kamara para sa paggunita ng Semana Santa at muling magbabalik sesyon sa darating na Mayo 17, 2021.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.