Diño sa Barangay Chairmen: “’Wag pasaway”

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay chairmen kung sila ay magpapabaya sa kanilang nasasakupan ngayong muling ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus bubble.

Sinabi ni DILG for Barangay Affairs Undersecretary Martin Diño sa media forum ng Balitaan sa Maynila, hindi na maaaring sawayin lang ang mga lalabag ngayong ECQ.

Aniya, hindi man madala sa presinto ang mga pasaway na residente dahil kailangang ipatupad ang social distancing ay maaari naman aniya silang magbigay ng mga subpoena saka paghahain ng aksyon o kaso sa korte.

Ayon kay Dino, kapag natapos ang pandemya ay may kakaharapin silang kaso sa korte.

Panawagan ni Dino sa mga tserman, huwag pabayaan ang kani-kanilang mga lugar dahil sila ay mananagot at makakasuhan sa ilalim ng Bayanihan 2.

Giit nito, huwag nang dagdagan ang mga tserman na sinuspindi ng DILG  dahil hindi ito mangingiming maghain ng kaso laban sa kanila dahil sa kanilang pagpapabaya.

Habang hindi niyo hinihigpitan yan diyan sa barangay ninyo baka buong barangay ninyo maghawa-hawa na kayo,”  pahayag pa ni Dino. Samantala, required pa rin aniya ang pagpapatupad ng quarantine pass sa mga barangay kung saan limitado ang maaaring lumabas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.