Illegal online gambling, di dapat tawaging POGO — PAGCOR

Share this information:

NILINAW ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na legal na online gambling operations lang ang dapat tawagin na POGO o Philippine Offshore Gaming Operations.

Giit ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, hindi dapat tawaging POGO ang mga illegal online gambling sa bansa dahil hindi naman ito aprubado ng PAGCOR.

Ang pahayag ni Tengco ay kasabay ng sunod-sunod na pagkakahuli ng ilang mga Chinese nationals na may kaugnayan sa illegal online gambling.

Binigyang-diin pa ni Tengco na ang mga gawain ng naturang mga indibidwal ay walang kaugnayan sa POGO. 

Paglilinaw pa ng opisyal na ang POGO ay mahigpit na mino-monitor ng PAGCOR at ang mga gaming entity na hindi pumasa sa mga documentary at financial requirement ay hindi matatawag na legal na gaming operators.

Ang PAGCOR ay mayroon nang 34 approved POGO operators, 127 na mga accredited service provider at limang special class ng BPOs na sumailalim sa probity check.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.