Ilegal na appointment ng dating administrator, nilinaw ng MARINA

IPINAHAYAG ng pamunuan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang hinggil sa mga balitang nagsasaad na si dating MARINA Administrator Vice Admiral Robert Empedrad AFP (Ret.) ay gumawa umano ng mga ilegal na appointment sa mga officers-in-charge (OICs) bago siya umalis sa kanyang puwesto bilang pinuno ng MARINA.

Paglilinaw ng MARINA, ang dating opisyal ay tahimik na binakante ang kanyang posisyon noong Hulyo 1, 2022 matapos matanggap ang kopya ng Office of the President (OP) Memorandum Circular No. 1 (2022).

Dagdag ng MARINA, bago umalis si Empedrad sa kanyang puwesto, hindi siya pumirma o nag-isyu ng anumang dokumentong nagtatalaga ng Officers-in-Charge para umako sa mga posisyong idineklara bilang bakante bilang resulta ng nasabing Presidential issuance.

Nilinaw din ng ahensya na lahat ng empleyado ng MARINA ay miyembro ng Alliance of MARINA Employees (AME). Ang opinyon ng isa o higit pang mga miyembro ay hindi nangangahulugang sumasalamin ito sa posisyon ng AME sa isyu.

Noong Lunes, iniulat na pinuna ng mga miyembro ng AME ang di-umano’y ilegal na appointment ng mga OIC ni Empedrad.

Kabilang sa mga hinirang na ito ang dating deputy administrator for planning Sonia Malaluan bilang OIC administrator ng MARINA, dating director para sa shipyard regulation service Ramon Hernandez bilang OIC deputy administrator for operations, Arsenio Lingad bilang OIC deputy administrator for planning, division chiefs Harold Tarun bilang OIC executive director at Ronnie Gernato bilang OIC deputy executive director.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.