Ilang pamantasan sa Maynila, walang face-to-face classes at onsite transaction sa Hunyo 27-29

Share this information:

HINDI muna magsasagawa ng mga “face to face classes” at “on-site o physical transactions” mula Hunyo 27-29  ang ilang mga pamantasan na matatagpuan sa loob ng Intramuros, Maynila.

Sa inilabas na abiso, ito ay dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang mga kalsada bunsod ng ginagawang paghahanda para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huweber, Hunyo 30, 2022.

Kabilang sa mga pamantasang nag-anunsiyo na walang “face to face classes” at “on-site o physical transactions” ay ang mga sumusunod:

– Colegio de San Juan de Letran 

– Lyceum of the Philippines 

– Mapua University 

– Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

Ang mga klase sa mga pamantasang nabanggit sa nasabing mga araw ay gagawin munang “online” upang hindi mahirapan ang mga estudyante, mga guro at mga empleyad ng paaralan sa posibleng abala na maidudulot ng pagsasara ng mga lansangan.

Para naman sa mga  guro at school personnel ay paiiralin ang “work-from-home set-up” habang bukas para sa “online transactions” ang kani-kanilang virtual offices.

Para sa kumpleto detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na social media accounts ng mga nabanggit na pamantasan.

Wala namang pasok sa Hunyo 30 sa lahat ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa buong Maynila dahil deklaradong “special non-working holiday” ang araw na nabanggit upang bigyang-daan ang panunumpa ni President-elect Marcos bilang ika-labing pitong pangulo ng Pilipinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.