Permit to carry firearms, suspendido sa inagurasyon ni President-elect Marcos Jr.

SUSPENDIDO ang “permit to carry firearms outside residence” (PTCFOR) sa National Capital Region (NCR) para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa darating na Hunyo 30, 2022.

Sa isang abiso na inilabas ng Manila Police District (MPD), magsisimula ang suspensyon ng PTCFOR simula alas 12:01 ng umaga ng Hunyo 27 hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Hulyo 2,2022.

Ayon sa MPD, paiiralin ng kapulisan ang kaayusan sa araw ng panunumpa ng bagong presidente upang ang lahat ng dadalo ay maging ligtas at maayos na maisagawa ang makasaysayang inagurasyon.

Isasagawa ang panunumpa ni Marcos Jr. sa National Museum sa Hunyo 30, 2022.

Kaugnay nito, ilang mga kalsada sa Maynila ang kailangang isara sa mga motorista upang bigyan-daan ang nasabing aktibidad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.