Ilang ospital sa NCR, Cebu, Davao, unang makakakuha ng Pfizer vaccine – DOH

Share this information:

Ilang pagamutan sa Metro Manila, healthcare facilities sa Cebu at Davao ang inaasahang makakatanggap ng unang batch ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na magmumula sa Pfizer-BioNTech at inaasahang darating na sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang mga Pfizer-BioNTech vaccine ay mapupunta sa ilang pagamutan bukod pa sa mga pangunahing COVID-19 referral centers.

Matatandaang sinabi ng DOH na lahat ng staff ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, at East Avenue Medical Center ang unang babakunahan laban sa COVID-19.

Sinabi naman ni Vergeire na hindi lamang ang naturang apat na pagamutan ang unang mabibigyan ng bakuna. Maglalaan rin aniya sila sa iba pang DOH-designated hospitals para sa COVID-19.

“It’s not just those four hospitals that we’re going to provide these vaccines with. We are going to provide other DOH-designated hospitals for COVID and that would include specific hospitals in Cebu and also in Davao,” ani Vergeire sa isang panayam.

Dagdag pa niya, ang mga doses mula sa unang batch ay ibibigay rin sa mga DOH hospitals na nagsisilbing COVID-19 referral centers, malalaking pagamutan ng mga local government untis, at limang pribadong pagamutan na lahat ay nasa Metro Manila.

Sa ngayon ay hinihintay pa anila nila ang kumpirmasyon sa delivery date ng unang batch ng mga bakuna mula sa World Health Organization-led COVAX Facility, ngunit sa inisyal na impormasyon ay maaari umanong dumating ito sa bansa ng Pebrero 13.

Sa sandali naman aniyang dumating na sa bansa ang mga bakuna ay kaagad na sisimulan ang pagbabakuna matapos ang tatlong araw.

Aabot sa 117,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech ang inaasahang matatanggap ng bansa ngayong buwan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Covid-19 saliva test now available at Subic Freeport

Tue Feb 9 , 2021
SUBIC BAY FREEPORT — The Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) announced that saliva testing is now available at the Subic Freeport. The saliva test, a more comfortable and affordable alternative to the nasal swabbing method for COVID-19 testing, was provided at the port under a joint project between the Philippine […]

Follow Us

%d bloggers like this: