Ilang kalsada, sarado sa Lakbayaw 2023

ISASARA ang ilang kalsada sa Maynila kaugnay sa pagdaraos ng LAKBAYAW 2023 para sa selebrasyon ng Pista ng Sto. Niño de Tondo sa Sabado, Enero 14 hanggang Linggo, Enero 15 mula alas-12:01 ng madaling araw.

Kabilang sa mga kalsadang isasara ay ang kahabaan ng N. Zamora St. mula  Moriones St. hanggang  Chacon St.; ang kahabaan ng Sta. Maria St. mula Moriones St. hanggang Morga St. gayundin ang kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang N. Zamora St., kahabaan ng Morga St. mula Asuncion St. hanggang Juan Luna St.; Ortega St. mula Asuncion St. hanggang Soliman St.; gayundin ang kahabaan ng Lakandula St. mula Asuncion St. hanggang llaya St.; ang kahabaan ng Ilaya St. mula Lakandula St. hanggang  C.M. Recto Ave; kahabaan ng Chacon St. mula Cano St. hanggang N. Zamora St. at kahabaan ng Soliman St. mula Morga St. hanggang Ortega St. / N. Zamora St.

Kabilang sa mga alternatibong ruta sa mga sasakyan na gagamit sa J. Nolasco St., patungo sa Tondo Church ay kinakailangang lumiko pakanan sa Morga St., diretso sa Tuazon St. hanggang Wagas St. o kakaliwa sa Asuncion St., patungo sa C.M. Recto Ave., tungo sa destinasyon.

Lahat naman ng sasakyan galing sa Pritil gamit ang N. Zamora St ay kakaliwa sa Moriones St., hanggang Juan Luna St., tungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyan naman gamit ang C.M. Recto Ave., o Asuncion St. ay kakaliwa sa Lakandula St., tungo sa destinasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.