Ilang kalsada, sarado sa araw ng Bar exams

Share this information:

PINAYUHAN ang mga motorista na iwasan ang paligid ng San Beda University sa San Miguel sa Maynila at De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue sa Malate, Maynila dahil ang lungsod ng Maynila ay magpapatupad ng mga pagsasara ng kalsada sa apat na araw ng 2022 Bar examinations.

Sinabi ng pamahalaang lungsod na ang mga sumusunod na kalsada malapit sa San Beda na isasara sa Nobyembre 9, 13, 16, at 20 ay ang Mendiola Street; Concepcion Aguila Street, na accessible lamang sa mga awtorisadong sasakyan (mga residente sa lugar) at sa 1st, 2nd, 3rd, at 4th Streets.

Hindi rin madadaanan ang Taft Avenue northbound at southbound malapit sa DLSU.

Ang pagsasara sa mga kalsada ay mula hatinggabi hanggang alas 11 ng gabi ng araw ng pagsusulit.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ng publiko ang 

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=445381104442350&id=100069113923869&mibextid=nxlvZT

upang makita ang mga apektadong kalsada at alternatibong ruta.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.