Breaking News

Share this information:

HINIMOK ng OCTA Research group ang pamahalaan na ilaan muna ang 90 percent ng suplay ng COVID-19 vaccine sa Metro Manila upang higit pang mapababa ang naitatalang kaso ng sakit sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, O.P., base sa datos ng National Task Force (NTF) on COVID-19, sa ngayon ang 65 percent ng suplay ng bakuna sa bansa ay ipinapadala nila sa Metro Manila, habang ang natitira pang 35 percent ay ipinamamahagi naman sa iba pang panig ng bansa.

Gayunman, sinabi ni Austriaco na kung daragdagan pa ang suplay ng bakuna sa Metro Manila ay tiyak na mapapangalahati o mababawasan pa ng hanggang kalahati ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

So simply by increasing the percentage of vaccines we send to the NCR, we will be able to decrease the overall caseload of the pandemic,” paliwanag ni Austriaco, sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Sa rekomendasyon nila, dapat aniyang ang 90 percent ng mga bakuna ay dalhin muna sa Metro Manila habang ang 10 percent naman ay sa iba pang panig ng bansa upang maibakuna naman sa mga senior citizen na siyang bumubuo ng 9.1 percent ng populasyon, gayundin sa mga medical frontliners.

Matatandaang una nang iniulat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hanggang noong Mayo 16 ay umaabot na sa kabuuang 3,001,875 COVID-19 vaccine doses ang nai-administer nila sa bansa.

Kabilang aniya dito ang 2,282,273 doses na naiturok bilang first dose at 719,602 na naibigay naman bilang second dose.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: