IATF, may ilang pagbabago sa testing at quarantine protocols para sa mga dayuhang turista

Share this information:

ILANG pagbabago sa testing at quarantine protocol ang inilabas ng Inter-Agency Task Force for the management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kasunod ng pagpapahintulot ng gobyerno na makapasok na sa pilipinas ang mga fully vaccinated na dayuhang turista.

Una, kailangang mayroon itong negative RT-PCR test result na kinuha sa loob ng 72 oras bago ang pag alis nito sa pinanggalingang bansa.

Nakasaad din na di na kailangang mag quarantine pagdating dito sa Pilipinas at hindi na rin kukuhanan ng RT-PCR test, subalit hinihikayat pa din ang pasahero na i-monitor ang sarili para sa mga sintomas ng COVID-19 hanggang sa ika labing apat na araw ng kaniyang pagdating.

Ang mga pasahero naman na dadaan o may stop over sa non-Green list countries ay papayagan pa ring makapasok sa bansa basta nanatili lamang sila o hindi lumabas ng airport.

Ang testing at quarantine protocols ng mga bata ay ibabatay din kung ano ang protocols sa kanilang mga magulang o guardian na kasama nila sa biyahe.

Para naman sa mga nabakunahan pero hindi nagpa-RT-PCR test bago bumiyahe, kailangan silang sumailalim sa mga protocol na ipinaiiral sa mga hindi bakunado na galing sa Green list countries.

Kailangan silang ilagay sa facility based-quarantine pagdating dito sa bansa hangga’t walang nailalabas na negative RT-PCR test result na kinuha sa ika-limang araw.

Kapag nakalabas, kailangan ding i-monitor nila ang sarili para sa mga sintomas ng COVID-19 hanggang sa ika labing apat na araw.

Samantala, binigyang-diin ni Acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na dahan dahan muna ang mga hakbang kaya hanggang Disyembre 15 lamang muna ang pinapayagang petsa na makapasok sa bansa ang mga dayuhang turista.

Ayon kay Nograles, oobserbahan muna nila ang sitwasyon pagkalipas ng Disyembre 15, at kapag naging maganda naman at epektibo ang pagpapatupad nito, pwede nang magsagawa ang IATF ng ilang adjustments kung kinakailangan at pag-aaralan kung pwede itong palawigin pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.