Holdapan sa LBC: 1 patay, 1 arestado

Share this information:

PATAY ang isang hinihinalang holdaper nang makasagupa ang lady police officer makaraang looban ang isang sangay ng LBC sa Barangay Pinyahan, Quezon City kaninang hapon.

Batay sa inisyal na report mula sa Quezon City Police station 10, bukod sa napatay na suspek ay kasabayan din na nadakip ng pulis ang isa pa habang dalawa pa sa kanilang kasamahan ang mabilis na nakatakas.

Tinatayang nasa P70,000 cash ang natangay ng nakatakas na mga holdaper mula sa remittance center.

Ayon sa imbestigasyon, pasado alas 3 ng hapon ng mangyari ang panghoholdap sa sangay ng LBC sa Matalino Street kung saan isang babaeng pulis na naka-off duty ang magpapadala sana ng pera sa nabanggit na remittance center nang maabutan nito sa loob ang apat na lalaki at nagdeklara ng holdap.

Agad umanong tumakbo palabasng gusali ang pulis at nagtungo sa kanyang sasakyan at kinuha ang servicefirearm nito bago kinompronta ang mga suspek kung saan isa sa mga ito ay nakipagbarilan hanggang wala ng buhay na bumulagta sa gitna ng kalsada.

Nabatid sa report na ang grupong nakasagupa ng lady police officer ay ang grupo din na sangkot sa ilang serye ng panghoholdap sa LBC branches sa Quezon City.

Patuloy na hinahanap sa followup operation ng mga tauhan ng Intelligence operatives at District SpecialOperations Unit (DSOU) ng Quezon City Police District sa dalawang nakatakas naholdaper.

Pinapurihan naman ni NationalCapital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Vicente Danao Jr ng lady police officer sa ipinakitang katapangan at kagitingan bilang alagad ng batas na sumagupa sa apat na holdaper.

Papagliwanagin naman ni Danaosi QCPD Station 10 commander Police Lt. Col. Allen Alberto kung bakit walang mga pulis na nakakalat o nagpapatrulya sa mga pangunahing lansangan partikular ang lugar kung saan naganap ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

“Hindi kami anti-vaxxers”! – PAO

Mon Feb 1 , 2021
ITO ang mariing ipinahayag ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta kasunod ng naglalabasang paninira sa kanila ng ilang mga personalidad na responsable sa pagpapakalat ng nakamamatay na bakunang “Dengvaxia”. Sa ipinatawag na pulong-balitaan kahapon, iginiit ni Acosta na “fake news” ang mga ipinupukol na paratang laban sa […]

Follow Us

%d bloggers like this: