Hit-and-run incident sa Mandaluyong, “case solved” na — PNP OIC

IDINEKLARA ni Philippine National Police Officer-in-Charge (PNP-OIC) Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na “case solved”na ang kaso ng hit-and-run sa isang security guard sa Mandaluyong na pinagkaguluhan sa social media.

Ito ay matapos na personal na humarap sa Camp Crame sa Quezon City ngayong tanghali ang pangunahing suspek sa insidente na si Jose Antonio San Vicente.

Kasamang magtungo ni San Vicente sa Camp Cram ang kanyang mga magulang pati na ang abugado.

Ayon kay Danao, nasa prosekusyon na o sa korte ang bola kung ano ang magiging kaparusahan kay San Vicente.

Sa ngayon, sinabi nito na ang mahalaga ay sumuko na ang suspek at tiniyak na haharapin ang kanyang mga kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.