Babala ng DOH: posibleng pagtaas ng mga severe at critical cases ng COVID-19 sa Agosto

Share this information:

INIHAYAG ngayon ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng pagtaas ng kaso ng mga severe at critical COVID-19 cases pagdating ng buwan ng Agosto.

Ayon kay DOH Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, stable pa naman sa ngayon ang mga kaso ng severe at critical COVID-19 at hindi pa naman labis na naapektuhan ang operasyon ng mga ospital.

Dagdag pa nito, mahalaga ang pagpapalakas ng bakunahan at booster shot sa mga target population dahil sa humihina na ang bisa ng bakuna bunsod ng pagbagal ng bakunahan para sa booster shots.

Ang pagpapanatili ng mababang numero ng severe at critical case ay mahalaga sa harap ng naobserbahang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Base sa datos ng DOH, may 14.56 milyong indibidwal ang nakatanggap ng unang booster shot laban sa COVID-19 habang may 557,000 indibidwal ang nabigyan na ng ikalawang booster shot.

Ang pagtaya ng posibilidad ng pagtaas ng kaso ng mga severe at critical cases ng COVID-19 sa Agosto ay upang makapaghanda ang DOH, mga ahensya ng gobyerno, ksama ang Department of the Interior and Local Government at ang publiko upang lalo pang magtulong tulong at maiwasan muli ang pagtaas ng mga kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.