Hepe ng pulisya ng Pilar, Bataan, patay sa “accidental firing” 

Share this information:

DEAD on arrival sa ospital ang hepe ng pulisya ng Pilar, Bataan matapos umano itong mabiktima ng accidental firing Lunes ng madaling araw sa Brgy. Tapulao, Orani, Bataan. 

Base sa inisyal na ulat ng Orani Police, kinilala ni Police Major Larry Valencia, chief of police ng Orani, ang biktimang si Police Major Rizaldy Rubio, 43, anyos, nakatira sa naturang lugar sa Orani. 

Base sa asawa nito na si Police SMSgt. May Rubio, nakarinig umano siya ng dalawang putok mula sa kanilang kawarto, kung saan nakita nito umano duguan si Rubio at nakahandusay sa sahig.

Dinala ito sa Orani District Hospital kung saan idineklarang dead on arrival. 

Kasalukuyang under investigation pa ang insidente. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.