Helper, pinagsasaksak ng kapwa helper sa Malabon

Share this information:

MALUBHANG nasugatan ang isang helper matapos itong pagsasaksakin ng kapwa helper sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Inoobserbahan ngayon sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Jayboy Beco, 20 anyos, ng Lot 6, Talipapa Road, Brgy. 166 Caybiga, Caloocan City.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya laban sa suspek na kinilalang si Archie Sales alyas “Ching,” 40 anyos, ng 365 PNR Compd., Samson Road, Brgy. 73, Caloocan city.

Sa report nina PSSgt. Ernie Baroy at PSSgt. Mardelio Osting kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-2 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa No. 35 Stall Consignation Market, Brgy. Tañong, Malabon City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nanghiram ang biktima ng lighter sa suspek, subalit nagsalita si Sales na “ano ang problema mo” at sinagot naman ni Beco na “wala naman.”

Nagalit umano si Sales at pinagsasaksak sa iba’t-ibang parte ng katawan si Beco bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman sa naturang pagamutan ang biktima ng kanyang kapatid na si Airra Jane.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

New COVID-19 infections go up slightly after two days at 1k level

Fri Nov 5 , 2021
THE Department of Health (DOH) recorded 2,376 new COVID-19 infections, higher than yesterday’s 1,766 count, according to the DOH COVID-19 Case Bulletin issued today, November 5, 2021. This brings the total number of COVID-19 infections in the country to 2,797,986 cases. Active cases, on the other hand, inched up slightly […]
%d bloggers like this: