Dalawa, arestado sa P346k shabu at baril sa Navotas

Share this information:

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ang mga ito ng baril at mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Mark Andrew Guevarra alyas “Andoy,” 38 anyos, at Dexter Luyon, 48 anyos, kapwa ng Moonwalk Village, Talon Singko, Las Piñas City.

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., dakong alas-11:28 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo Jr., kasama ang SWAT team at Intelligence Section ng buy-bust operation sa Virgo Drive, Brgy. NBBS Kaunlaran.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P12,000 halaga ng shabu at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

Tinatayang nasa 50.9 na gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek, na may standard drug price na P346,120, buy-bust money na isang tunay na P1,000 at 11 pirasong P1,000 boodle money, cal. 38 revolver na kargado ng limang bala, digital weighing scale, cellphone, bonded na empty transparent plastic sachets, sasakyan at P1,000 cash.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Live Ammunitions.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Helper, pinagsasaksak ng kapwa helper sa Malabon

Fri Nov 5 , 2021
MALUBHANG nasugatan ang isang helper matapos itong pagsasaksakin ng kapwa helper sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Inoobserbahan ngayon sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Jayboy Beco, 20 anyos, ng Lot 6, Talipapa Road, Brgy. 166 Caybiga, Caloocan City. Patuloy […]
%d bloggers like this: