HCWs na infected ng COVID-19, muling tumaas

Nakikitaan muli ng pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa hanay ng mga health workers (HCWs) ngayong buwan ng Marso, ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na base sa trends noong Nobyembre, Disyembre, Enero at Pebrero ay nakita ang pagbaba ng infection sa mga HCWs.

Nitong Pebrero, ayon pa kay Vergeire, ay nakapagtala ng 474  kaso  ngunit tumaas muli ngayong buwan, mula Marso 1 hanggang 25 ay umabot na 684 ang tinamaan ng sakit.

Inaasahan na aniya ito dahil ang mga health workers ang nag-aalaga sa mga taong may COVID-19 lalo ngayon na mataas ang transmission ng sakit.

Kaya apela ni Vergeire na ibigay muna ang mga bakuna sa mga HCWs dahil sila ang pangunahing apektado at exposed sa lahat ng populasyon dito sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.