DOH quick substitution list

IGINIIT ni Health Undersecretary Maria Rosario na ang kasali lamang sa quick substitution list protocol ay mga health workers at frontliners na direktang nag-aalaga sa mga COVID-19 patients at hindi ang susunod na sektor.

Binigyan diin din ni Vergeire sa media forum ng DOH na nilalayon ng QSL protocol na maiwasan ang wastage ng bakuna.

Upang maiwasan aniya ito ay dapat ahead of time ay nakaplano na kung sino ang substitute sakaling may tumanggi o umatras sa pagbabakuna.

Binigyan diin din nito na ang nasabing protocol ay paulit-ulti nang sinabi sa mga Towqn hall meeting at ibang pagpupulong kasama ang ibat-ibang ahensya kung saan ang kasama lamang sa QSL protocol ay mga kabilang sa priority sector sa ngayon gaya ng HCWs at frontliners.

“Sabi natin ang mga healthcare workers natin its from 8.1 to 8.7 so dun po sila mamimili kung sino ang gusto nila….so ang sabi pa natin sa kanila kung sino yung malalapit sa inyo na private hospitals maybe o di kaya ay mga private clinics, isama niyo na diyan sa inyong pagbabakuna “, anang opisyal.

Pero, hindi aniya sinabi ng DOH na pupunta sa susunod na sektor.

“Diyan po sa QSL protocol natin nakalagay din dyan that everybody will be inform and instructed when we are going to shift and go to the next sector already”, wika pa ni Vergeire.

Maliwanag aniya na nasa A sector tayo ngayon at ang substituon list ay kabilang ang lahat ng health workers at frontliners na direktang nag-aalaga sa mga COVID-19 patients. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.