Breaking News

Share this information:

MULING magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa mga susunod na araw, ika-pitong sunod na linggo na ng pagtataas ng presyo ng petrolyo.

Batay sa fuel price forecast para sa Oktubre 12 hanggang 18 trading week, inihayag ng Unioil Petroleum Philippines na posibleng sumipa ng P1.40 hanggang P1.50 kada litrong dagdag sa presyo ng diesel.

Nasa P1.20 hanggang P1.30 kada litro naman ang maaaring itaas sa presyo ng gasolina.

Nuon lamang Oktubre 5 ay nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng P1.45 hanggang P1.50 kada litro na dagdag sa gasolina habang P2 hanggang P2.10 sa kada litro ng diesel.

Batay sa datos ng Department of Energy, umaabot na sa P16.55 kada litro ang itinaas sa gasolina at P15 kada litro sa diesel ngayong taon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: