Halagang P7.4-M ng shabu, nasabat ng Customs

NASA 1.1 kilo ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P7.4 milyon, ang natuklasan sa isang shipment na idineklarang “Flask” mula sa Lilongwe, Malawi.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC) , pinigil ang nasabing kargamento sa koordinasyon na rin ng Port of Clark International Airport at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Enforcement and Security Service (ESS) – Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF).

Ito ay matapos na makatanggap ang BOC ng impormasyon noong Setyembre 14 na ang nasabing kargamento ay naglalaman ng ilegal na droga.

Nang inspeksyunin sa pamamagitan ng x-ray at physical examination, nadiskubre na naglalaman ito ng 5 pakete ng shabu na nakalagay sa dalawang unit ng Electric Air Pot Flask.

Bunsod nito, nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detection si District Collector Alexandra Lumontad laban sa kargamento para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa  R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nitong Setyembre 15 ang naturang ilegal na droga ay naiturn over na sa PDEA alinsunod sa Customs Administrative Order No. 03-2020.

(PHOTO CREDIT: Bureau of Customs)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.