Liquor ban sa Maynila, binawi

BINAWI na ang idineklarang liquor ban sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sa isang abiso na inilabas ng lungsod, ang mga establisimiyento o mga tindahan sa lungsod ay maaari nang magbenta ng alak sa ilalim ng Alert Level 4 ng general community quarantine (GCQ).

Ang pag-alis sa liquor ban ay kasunod ng paglagda ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa Executive Order No. 29, Serye ng  2021, kung saan nakasaad na ang pamahalaang lungsod ay walang nakitang kabuluhan upang patuloy pang magpataw ng liquor ban sa ngayon. 

Ginawa ang desisyon kasunod ng ginawang konsultasyon sa pagitan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan mula sa business sector kaugnay ng naturang isyu.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.