Habang ‘happy happy’ sa birthday party: 2 kelot niratrat, isa todas, isa kritikal

Isa ang patay habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos silang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay sa isang sports utility vehicle (SUV) sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa Chinese General Hospital ang 37 anyos na si Jay-R Castolome habang patuloy na inoobserbahan si Alfredo Roy Elgarico, kapwa residente ng Balut, Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)- Raxabago Police Station 1, dakong 8:16 ng gabi ng Huwebes ng maganap ang pamamaril sa tahanan ni Elgarico kung saan may ipinagdiriwang na birthday.

Gayunman, sa kasagsagan ng kasayahan ay bigla na lang sumulpot ang dalawang hindi pa mabatid na salarin at kaagad na pinagbabaril ang mga biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng isang itim na SUV.

Nabatid sa pulisya na ang mga biktima ay dati ng dinakip ng pulisya dahil sa kaso sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o illegal possession of fire arms.

Pinaghihinalaan din umano ang dalawa na responsable sa paghahagis ng granada sa presinto ng Raxabago Police Station-1 noong taong 2014.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.