Grupong Kadamay, guilty sa kasong trespassing; multang tig-P200

Share this information:

“GUILTY” ang hatol ng isang korte sa Quezon City sa urban group na Kadamay sa kanilang ikinasong ‘trespassing’ dahil sa pagkubkob ng mga ito sa pribadong pag-aaring lupa sa Barangay Tandang Sora may apat na taon na ang nakakalipas.

Bukod sa parusang pagkakakulong ay inatasan din ni QC-Metropolitan Trial Court Branch 43 Judge Don Ace Mariano Alagar ang 38-miyembro ng grupo na magbayad ng tig-P200 bawat isa dahil sa paglabag sa ilalim ng Article 281 of the Revised Penal Code.   

“The court understands that accused were driven by self-preservation under the circumstances and will thus impose the penalty of fine instead of imprisonment,” pahayag ni Alagar matapos ang promulgasyon sa pagdinig sa kaso kahapon, araw ng Martes, Pebrero 23.

Abril 2, 2017 nang sapilitang okupahin ng Kadamay ang isang pribadong lupa sa Barangay Tandang Sora matapos gibain ng local government ang kanilang barong-barong na bahay noong Hulyo 2016 dahil “fire hazard” umano ang mga ito.

Ayon sa korte, ang RA 10951 ay nagpapataw ng mas mabigat na kabayaran bilang penalty sa kasong trespassing na nagkakahalaga ng hanggang P40,000 subalit naging ganap na batas lamang ito noong July 2017, o tatlong buwan matapos ang insidente ng pag-okupa, kaya naigawad lamang ng korte sa grupo ang P200 penalty bawat ulo.

The system of criminal law followed in the Philippines, true to the ways of constitutionalism, has always leaned toward the milder form of responsibility, whether as to the nature of the offense or the penalty to be incurred by the wrongdoer,” ani pa ng hukom.

Batay pa sa record ng korte, ang pagdinig sa naturang kaso ay hindi natapos sa lalong madaling panahon kung kayat nagresulta sa apat na taong hearing kung saan kumita lamang ang estado ng P7,600.

Simula 2017, nasangkot na sa ibat ibang mga ilegal na pag-ookupa ang Kadamay kabilang na ang pagkubkob ng mga ito sa mga bakanteng lote sa Pandi, Bulacan

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Valenzuela City LGU nagbabala sa NLEX kaugnay ng mauulit na suspensyon ng business permit

Tue Feb 23 , 2021
NAGBABALA ang Valenzuela City LGU na muli nitong sususpindihin ang business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) kung bigo pa ring maresolba ang mga reklamo sa cashless tollway system nito sa Pebrero 26. Kanina ay nagpatawag si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ng pulong ng technical working group kasama ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: