Valenzuela City LGU nagbabala sa NLEX kaugnay ng mauulit na suspensyon ng business permit

Share this information:

NAGBABALA ang Valenzuela City LGU na muli nitong sususpindihin ang business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) kung bigo pa ring maresolba ang mga reklamo sa cashless tollway system nito sa Pebrero 26.

Kanina ay nagpatawag si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ng pulong ng technical working group kasama ang mga opisyal ng NLEX para ilatag ang mga reklamong natanggap nito sa nakalipas na linggo.

Sinabi ni Gatchalian na kung makatatanggap pa rin sila ng mga reklamo pagkatapos ng Pebrero 26 ay masususpindi muli ang business permit ng tollway operator.

Tinukoy ng alkalde na pare-pareho ang mga reklamo na kanilang patuloy na natatanggap hinggil sa palpak na RFID system at iba pang technical glitches sa toll plaza.

Binigyan na aniya nila ng sapat na panahon ang NLEX para ayusin ang system upgrade ng cashless system nito kaya’t dapat ay wala nang lulutang na katulad na isyu.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

House OKs "Bawal Billboard Tuwing Bagyo" Act on 2nd reading

Tue Feb 23 , 2021
The House of Representatives today approved on second reading the House Bill 7174, which seeks to regulate the use of billboards during typhoons as a public safety measure for the protection of motorists and pedestrians. The proposed “Bawal Billboard Tuwing Bagyo Act” stipulates that all advertising materials would be automatically taken […]

Follow Us

%d bloggers like this: