Ginang, patay sa kidlat na pumasok sa kanilang bahay sa Antique

PATAY ang 31-anyos na ginang habang sugatan ang dalawa niyang anak nang tamaan ng kidlat na pumasok sa loob ng kanilang bahay sa Antique.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi habang naghahanda ng hapunan ang mag-iina ay bumuhos ang napakalakas na ulan at sinabayan ng kulog at kidlat.

Ilang saglit pa ay gumuhit na ang kidlat at pumasok sa bahay ng mga biktima sa kabundukang bahagi ng Barangay Jaguikican sa bayan ng Laua-an.

Tinamaan umano ng kidlat ang ginang na si Lordeliza Trogo na dahilan ng pagkamatay nito. Nagtamo siya ng sugat sa leeg.

Nakaligtas ngunit nasugatan ang dalawa niyang anak na isa at apat na taong gulang, na nagtamo ng galos at paso sa katawan.

Makikita naman sa bahay ng mga biktima ang nagkalat na kanina na inihahanda ni Trogo para sa limang mga anak. Wala naman sa bahay ang live-in partner ni Trogo na sinasabing kaluluwas pa lang ng Maynila para maghanap ng trabaho

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.