Breaking News

Share this information:

HINDI umubra ang modus operandi na may sakit sa pag-iisip ang isang 34-anyos na ginang nang arestuhin ng pulisya dahil sa hindi pagbabayad ng kanyang almusal na inorder at kinain sa isang  mamahaling restaurant sa Tagaytay City nitong Martes ng umaga.

Kasong Estafa ang kinakaharap ng suspek na si Narissa Reyes ng Bacoor City, Cavite dahil sa reklamo ni Tristan Arizobal, Store Supervisor ng Jaytees Filipino Cuisine Restaurant.

Sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt Joseph Ryan Bascugin ng Tagaytay City Police Station, dakong alas-8:30 ng umaga nang pumasok ang suspek sa loob ng nasabing restaurant sa Barangay Maharlika East at umorder ng pagkain.  

Matapos makakain, umorder pa ito ng pang-dessert na umabot sa P847.00 subalit nang maubos ay tinangka nitong lumabas sa likurang bahagi ng exit at hindi na nag-bayad subalit nasundan siya ng isang waiter kaya ipinaalam sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Sa presinto habang tinatanong ng mga imbestigador ang suspek ay nagbago ang mga ikinikilos at pananalita.

“Nagsasalita ng kung ano-ano na parang baliw, pero hindi naman umubra sa amin ang kanyang modus operandi” ayon kay Bascugin.

Napag-alaman ng pulisya matapos ang pagsusuri kay Reyes na may iba pang mga kahalintulad na kaso ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: