General Manager ng International Airport Authority sa Cebu, sinuspinde ng Ombudsman

SINUSPINDE ng Office of the Ombudsman ang General Manager ng International Airport Authority sa Cebu dahil sa mga kasong paglabag sa Anti-Graft.

Pinatawan ng anim na buwan suspensyon si Steve Dicidcan dahil sa umanoy pagpayag nito na humawak ng operasyon ang isang foreigner sa nabanggit na paliparan.

Batay sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman noong December 14, si Dicdican ay inireklamo ng grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sa desisyon, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na para maiwasan ang posibilidad na pag-tamper ng mga ebidensya, pangha-harass sa testigo, at paggamit ng impluwensya ay minabuting suspindhin muna si Dicdican habang siya ay isinasailalim sa imbestigasyon.

Dagdag ni Martires, base sa rekord ng reklamo, malakas ang ‘evidence of guilt’ laban sa opisyal.

Ayon sa reklamo ng NBI noong 2014, humawak bilang managerial at executive positions sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) si Andrew A. Harrison na chief executive ng GMR Megawide Cebu Airport Corporation, na isang paglabag sa itinatadhana ng saligang batas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.