Gabriela partylist solon, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas.

Ayon sa kongresista, nuong Sabado siya nagpa-swab test at kaninang umaga lang nakuha ang resulta at nakumpirma na siya ay may virus.

Sinabi ni Brosas na wala naman siyang nararamdamang sintomas at maayos ang kanyang pakiramdam sa ngayon pero pinapayuhan siya ng mga doktor na magpahinga dahil kahit mild COVID-19 lang ang kanyang nararanasan ay posible umanong lumala kung hindi mag-iingat.

Hindi pa matukoy ni Brosas kung saan niya nakuha ang virus ngunit halos sa kanyang opisina sa Batasan Pambansa lang umano siya sa naglalagi.

Patuloy na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng kongresista.

Sa ngayon ay mayruon nang mahigit 70 kaso ng COVID-19 sa Kamara ngunit 15 sa mga ito ang active cases.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.