Fully booked na: Mga hotel sa NCR malabong gawing COVID-19 medical facility

Share this information:

FULLY booked na ang mga hotel sa National Capital Region kaya’t malabo nang mailaan bilang isolation at treatment o medical facility ng mga ospital sa harap ng nagsisikip nang bed capacity dahil sa mataas na mga kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Arthur Lopez, presidente ng Philippine Hotel Owners Association, na wala nang kuwarto na magagamit dahil napuno na ito ng mga umuuwing OFW na isinasailalim sa quarantine, alinsunod sa protocol na pinaiiral ng OWWA.

Hindi aniya pupuwedeng pabayaan ang mga OFW na itinuturing na bagong bayani.

“Why do I say fully booked? Because OWWA [Overseas Workers Welfare Administration)] has taken over these hotels for the OFWs that are returning back to the country. Wala na kaming maibigay na ibang hotel para gawing isolation facilities,” ani Lopez.

Bukod dito, sinabi ni Lopez na magiging mahirap ang pagset-up sa mga hotel bilang treatment facility o operating room dahil maraming kailangang ihanda ang ospital para suportahan ang pasyente.

Sinabi pa ni Lopez na hindi rin nila pupuwedeng pagsamahin ang quarantine guests sa mga regular na hotel guest kaya’t napaka-limitado na ang kanilang mga silid.

Samantala, aminado si Lopez na umabot ng hanggang 90-porsyento ang kanilang naging pagkalugi nang magsimula ang pandemya at nakatulong ang pagkuha sa kanila ng OWWA bilang quarantine facilities ng OFWs upang makapagpasweldo sa mga staff at makabayad sa kuryente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Roque re-infected with COVID-19

Sat Apr 10 , 2021
SURVIVING the deadly virus from Wuhan, China is no guarantee that one would be able to develop enough antibodies that would somehow serve as a shield against possible re-infection. Two weeks after claiming to have been cleared of the coronavirus disease, presidential spokesperson Harry Roque has admitted being contaminated again, […]

Follow Us

%d bloggers like this: