Food delivery, take out services sa Tagaytay, suspendido tuwing Lunes

Ipinahayag ng pamahalaang lungsod ng Tagaytay na suspendido ang mga food delivery at take-out services ng mga kainan sa lungsod tuwing araw ng Lunes.

Kabilang dito ang mga restaurant, food stall, fast-food chain, coffee shop at mga refreshment outlet.

Ayon sa Executive Order No. 359 na nilagdaan ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino, magiging epektibo ang nasabing kautusan simula sa Marso 22, 2021.

Ipinalabas ang kautusan upang bigyang-daan ang mga establisimiyento na makapag-disinfect sa lugar ng kanilang negosyo upang makatulong na makontrol at maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.