MPD, inaalam ang ugat ng pagkalat ng COVID-19 sa kanilang hanay

Inaalam na ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang ugat  ng pagkalat ng infection ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Kasunod ito ng pagiging positibo sa sakit ng 46 nitong tauhan sa MPD-Station 11 na sakop ng Binondo sa Maynila.

Sa kumpirmasyon ni MPD Chief Brig. General  Leo Francisco, dalawang police personnel mula sa nasabing bilang ang nasa ospital at isa ang severe case habang papagaling na ang iba.

Naitala naman ang mga kaso simula Marso 3 hanggang 13.

Ayon pa kay Francisco, mayroon pang 87 na pulis ang hindi pa naisasalang  sa swab test kaya’t nababahala siyang tumaas pa ang bilang ng kaso ng kapulisan sa Maynila.

Alas 5 kahapon ng isailalim sa special quarantine lockdown ang MPD-PS 11.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.