Flip-top rapper “J-Skeelz” arestado sa drug buy-bust sa Quezon

KALABOSO makaraang mahuli sa aktong nagbebenta umano ng ilegal na droga ang flip-top rap battle artist na si “J-Skeelz” sa bayan ng Candelaria, Quezon, madaling araw ng Sabado.

Nabatid mula kay Candelaria Police chief Police Lieutenant Colonel Arnulfo Selencio, na dinakip ang suspek na Jason Yap Rodriguez, 37-anyos at residente ng Gagalangin sa Tondo, Manila, makaraang bentahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1,000 ang undercover police officer sa loob ng Quezon Premiere Hotel sa Barangay Masin Sur.

Nasamsam ng pulisya mula kay Rodriguez ang dalawang plastic sachets ng ilegal na droga na isasailalim sa laboratory analysis upang kumpirmahin kung totoong shabu.

Si Rodriguez na sikat na rap artist sa flip-top battle league sa Metro Manila ay kasalukuyan nang  nakaditine sa Candelaria at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Photo Courtesy: Candelaria Police Station)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.