Fishing boat tumaob sa Eastern Samar

Isang fishing boat ang tumaob sa karagatang sakop ng Sungit Point, Candulo Island sa Eastern Samar, kung saan pitong pasahero ang tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, ipinagbigay-alam sa kanila ng Spanish Navy Ship, JS Elcano, na may tumaob na bangka malapit sa kanilang posisyon.

Gamit ang rubber boats, agad na nagsagawa ang PCG ng rescue operations sa mga pasahero.

Gayunman, sa pag-iimbestiga ng PCG, natuklasan  na ang tumaob na fishing banca ay kwestyunable at expired na ang dokumento.

Dahil dito, nanatiling nasa kustodiya ng coast guard sub-station Guiuan ang fishing banca habang hindi nakakapagpakita ng valid at legal na dokumento ang operator at may-ari nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.