Breaking News

Share this information:

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa paggamit  at pagbili ng hindi rehistradong gamot lalo na galing sa China .

Ito ay dahil hindi dumadaan sa pagsusuri ng FDA at hindi rehistrado bukod pa sa hindi tiyak ang kalidad at bisa nito na maaaring makaapekto sa kalusugan ng pubiko.

Kabilang sa naturang mga gamot ay ang  A Qi Mei Su Fen San Pian, OTC Aushenbunaoye, Erythromycein Estotate tablets, OTC Huaxiang Zhengqi Shi at isa pang OTC na Chinese character na ang label.

Ayon sa FDA, napatunayan sa pamamgitan ng isinagawang Post Marketing Surveillance ng FDA na ang nasabing mga gamot ay hini dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensiya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration.

Nanawagan naman ang FDA sa mga LGUs  at law enforcement agencies na tiyakin na ang mga produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: