Breaking News

Share this information:

GAGAWA ng bagong guidelines sa pagbabakuna ng AstraZeneca ang Food and Drug Administration (FDA) matapos itong pansamantalang suspindehin para sa edad 59 pababa dahil sa ulat ng pagkakaroon ng blood cloth s amga nabakunahan sa ibang bansa.

Ayon ito kay FDA Director General Eric Domingo, sa panayam ng Dobol B kung saan sinabi rin nito na pinaghahandaan na rin ang pagdating ng bagong suplay ng AstraZeneca.

Biannggit din ng opisyal na ang roll out ng second dose ng bakuna ay matapos ang 8 o hanggang 12 linggo mula nang mabakunahan ng unang dose.

Nilinaw din ni Domingo na bagamat pansamantalang suispundi ang pagbabakuna ng AstraZeneca ay hindi naman nangangahulogan na ito ay titigil kundi kanila lamng pag-aaralan para sa bagong gabay para sa mga vaccinators habang ang suplay ay hinihintay pa.

Sa ngayon, wala pa namang naitatalang kaso ng blood clots at mababang platelets sa mga nabakunahan ng AstraZeneca,

Dagdag pa ng FDA, sa edad 59 pababa lamang sinuspinde ang pagbabakuna ngunit sa 60 pataas ay pwede pa naman umano ang AstraZeneca na iturok sa mga nais magpabakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: