Fast craft, water taxi nagkabanggaan sa Batangas, 1 nasawi

Isang indibidwal ang nasawi sa banggaan ng isang fast craft vessel at water taxi sa karagatan na sakop ng Batangas City tanghali ng Miyerkoles (January 31), ayon sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA).

Sa paunang imbestigasyon ng PPA ay patungo ng Calapan Port ang fast craft vessel ng MV Ocean Jet 6 at papunta naman ng Batangas Port ang water taxi ng Hop & Go nang mangyari ang insidente.

Agad na rumesponde at nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng rescue operation sa nasabing lugar.

Limang pasahero at apat na crew ang sakay ng Hop & Go habang 105 na pasahero at 19 na crew sakay ng MV Ocean Jet 6.

Isa sa crew ng Hop & Go ang nasawi sa insidente, habang nailigtas lahat ng mga pasahero at ibang crew na dinala sa Port of Puerto Galera. Ligtas naman lahat ng mga pasahero at crew ng MV Ocean Jet 6.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.