Failed escape: South Korean Defector, pinaslang ng North Korean soldiers

Pinagbabaril at sinunog ng mga sundalo ng North Korea ang isang lalaki na pinaghihinalaang South Korean Defector.

Ang defector ay isang taong tumalikod sa kanyang pinagmulang bayan kapalit ng pakikipag alyansa sa isang bansa.

Batay sa ulat ng Yonhap News Agency ng South Korea, natunton ng mga sundalo ng North Korea ang lalaki malapit sa western border ng isla ng Yeonpyeong (Yon-Pyong) at pinagbabaril ito sa tubig.

Binuhusan din umano ng langis ang bangkay ng biktima at sinunog habang nasa tubig.

Posible umanong ang pagsunog sa lalaki ay bilang pag-iingat sa Coronavirus disease o COVID-19.

Mariin namang kinondena ng Defense Ministry ng South Korea ang ginawa ng mga sundalong North Korea at tinawag itong marahas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.