Breaking News

Share this information:

NAGPAPATULOY na ang malalimang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa misteryosong pagkamatay ng dating bise alkalde ng Masantol, Pampanga gayundin sa isang kasamahan nito na kapwa natagpuang patay nitong Sabado ng hapon.

Sa loob ng tanggapan ng Blue Gems Security Agency nadiskubre ang labi ni dating vice mayor Jorge Perez Bustos gayundin ang isang Eric Villanueva Cariaga sa Barangay Pulung Maragul, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng dalawa.

Si Bustos ay kapatid ni Patrol Partylist Rep. Jorge Antonio Bustos, at ang operations manager ng security agency.

Sa salaysay ng security guard na si John Maverick Cunanan na dakong alas-nueve ng umaga nang dumating sa opisina sina Bustos at Cariaga at maghapon na nananatili sa loob ang dalawa.

Habang naliligo ay nakarinig umano si Cunanan ng dalawang putok ng baril at nang buksan nito ang pinto ng opisina ay nakita niyang wala ng buhay ang dalawa.

Natagpuan sa lugar ang isang kalibre .45 baril, mga bala at basyo ng bala. Sinusuri na rin ng mga imbestigador ang kuha ng CCTV unit at dalawang mobile phone upang malaman ang nangyari bago ang pagkamatay ng dalawa.

Ayon kay Central Luzon police director Brigadier General Valeriano de Leon, nagpapatuloy na ang follow up operation sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: